Loneliness
Oct. 8th, 2009 10:00 pm![[personal profile]](https://www.dreamwidth.org/img/silk/identity/user.png)
‘Pag ang tao’y nabubugnot
Ang ulo’y kinakamot
Buhok sinasabunot
Talagang nayayamot.
Ang ulo’y kinakamot
Buhok sinasabunot
Talagang nayayamot.
Punung-puno ang utak
Ng patsutsada’t talak
Nais kunin ang itak
Nang matuloy ang balak.
Mata’y puno ng kuha
At nawalan ng sigla
Hindi na mahinuha
Kung bakit s’ya’y lumala.
Alaalang malungkot
Nais ibaon sa limot
Kaya paikot-ikot
Habang balot ng kumot.